Bilang super dami ng pictures at tamad (busy?) akong magpost, ngayon ko lang nailagay.Ni hindi ko nga alam na napost ito eh. So paninindigan ko na yung pagiging tamad ko, di ko na irorotate. Hehe.
Lahat ng tao may camera, pati si buning at walang point-and-shoot ni isa. Super saya. Family outing for summer, sa last leg lang kami ni kuya nakasama dahil may pasok sha at ako ay may trabaho. Nagsimula ito sa Gen San, Davao, Cagayan, Camiguin.
PS: Oo, sa mga pictures na parang umiiyak ako, OO, umiiiyak ako dahil takot ako sa maliliit na bangka. At bilang si Papi at kuya ay mahilig mang-asar, pinaiyak pa ako lalo.
|