BItaw.
Lahat tayo merong bagay na ayaw bitawan. Maaring ang mga ito ay ang mga malalagkit na kaning nagdidikit sa kung anumang hangarin. Maaring ang mga ito ay mga bagay na pumipigil sa ating pag ngiti sa pagsalubong ng umaga.
Balakid o pag-asa.
Ang mga mithiing pag-asa dapat lamang higpitan ang kapit. Sa paglayag sa kalawakan, kasama kang aakyat. Lilipad. Ngunit mayroong mangilan-ngilang pilit yumayapos sa mga bagay na dapat nang ilibing. Mga bagay na lalong nakapagdidiin sa iyo sa kalungkutan.
Bitaw.
BItaw, kaibigan. Bitaw.
*Pumalakpak dito ang mga taong may nais bitawan.
Bitaw, kaibigan. Bitaw.
*artwork from http://www.elianne.ch/mediac/450_0/media/Let$20go.jpg